Sunday, September 22, 2019

“BAT AKO MAHIHIYA?”

See the source image
Sourcce: https://fineartamerica.com/featured/
philippine-flag-amelie-simmons.html
See the source image
Source:https://www.pinterest
.ph/explore/filipino-culture/

                Magandang araw binibini at ginoo. Aking tatalakayin ang tungkol sa generasyon noon at ngayon. Pagkabasa mo palang sa salitang noon at ngayon ay tiyak marami ng mga bagay bagay na pumapasok sa iyong isipan. Tulad ng; Noon pagnanliligaw ka may paharana harana, ngayon text at call lang may “kayo” na. Noon bawal hawakan ang mga babae, pwera nalang kung magkabiyak kayo, ngayon, kahit hindi mo kasintahan, nagpapahalik kana.. Oo totoo yan! Nangyayari yan sa totoong buhay. Noon may paliham liham.  Ngayon messenger app lang oks na!

                Hindi lang nakagawian ang napalitan, pati lenggwaheng nakalakihan ay unti unti naring naglalaho. Simpelang pagbati ng Hello ay nagiging annyeonghaseyo na. Nilalamon na ng bagong Sistema ang mga kabataan. Tinatalikuran ang sariling wika, at mas binibigyang tuon ang mga lenggwaheng pang dayuhan.  Mas marunong na ding magsalita ng lenggwaheng pang dayuhan kaysa sa wikang Pilipino. Habang lumalaki tayo, mas iniiwan at kinakalimutan natin ang mga kulturang nakagawian. Mas pipiliin ang pang madalian at sunod sa uso.

               Isipin mo! Pilipino ka pero kung maakaasta parang Koreana’t Koreano! Gumising ka! Pilipino ka! Umasta kang Pilipino. Bakit? Nahihiya ka? Ba’t ka mahihiya? Ipagmalaki mo! Dahil hindi nag buwis buhay an ating mga bayani para lang ikahiya nating mga Pilipino ang kung anong meron tayo. Matuto kang makuntento. Palibhsa kasi, Pati jowa mo di makuntento sayo, kaya naghanap ng bago. Masakit maiwan kaya mahalin mo kung anong meron ka.

No comments:

Post a Comment

INSERTING YOUTUBE VIDEOS ON YOUR BLOG

 <iframe width="560" height="315" src="https://www.youtube.com/embed/TmbwcadPORk" frameborder="0"...